https://youtu.be/XTaLPekcZZ8
Ikaw ba ay makalikasan?
Hahayaan mo nalang ba makita ang pagkasira ng iyong palagid?
Isa karin ba sa may malasakit sa iba at sa mundong ginagalawan?
KUNG ANG SAGOT MO AY OO, HALINA AT ALAMIN ANG MAAARING MAISAGAWA UPANG MAPAGTIBAY ANG MAAYOS NA KALUSUGAN AT KAPALIGIRAN.
Narito ang iilan sa mga dapat sundin at gawin upang maiwasan ang pagkasira ng kalikasan:
1. Disiplina sa Sarili ang Solusyon sa Problema sa Basura

Source: https://bagongaurorawebsitengbayan.files.wordpress.com/2015/01/pb231083.jpg
Madami kasing mga taong walang pakundangang nagkakalat at walang disiplinang nagtatapon ng mga supot, basyo ng pinagkainan at upos ng sigarilyo sa paligid na kailangang mapagsabihan at ipaliwanag ang masamang epekto nito sa ating kapaligiran.Kaya nga ikaw, kapatid, tayong lahat ang solusyon. Simulan natin sa sarili nating bahay at hikayatin ang ating mga kapitbahay sa Wastong Paraan ng Pamamahala ng Basura. Simpleng-simple lang kung talagang gagawin natin itong kultura sa tahanan. Maari ring maglagay ng mga basurahan at mga sign na nakasulat itapon ang basura sa tamang lalagyan
2. Magtamin ng mga puno sa paligid o anumang halaman upang maabsorb ng mga halaman ang mga pollution.

Source:
https://thepost.net.ph/news/nation/tree-planting-sa-graduating-senior-high-at-college-students
Ang mga puno lamang at halaman ang nakapag-bibigay sa atin ng sariwang hangin, tinutulungan din tayo nito na pigilan ang landslides, kaya napaka-halaga ng pagtatanim.
Maraming naidudulot na maganda at tulong sa ating kalikasan katulad nalamang ng:
Nagsisilbing tagalinis ng hangin– Sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno, marami ang malilinis na hangin. Sila rin ay nagbibigay ng oxygen na siyang ating kinakailangan sa katawan. Ang global warming ay isa sa mga problema hindi lamang ng ating bansa kundi ng buong mundo. Ang pagtatanim ng puno ang isa sa mga makakasagip satin rito.
Nakakaiwas ng landslide o pagguho ng lupa – Ang ugat ng halaman ng puno at iba pang halaman ay magandang pang-iwas sa land slide o pagguho ng lupa sapagkat kaya nitong hawakan ng maigi ang lupa.
Tahanan ito ng maraming hayop – Maraming mga endangered species sa bawat bansa ay nakatira sa kagubatan. Ang mga puno ang nagsisilbing tahanan nila. Sa pamamagitan ng pagtanim ng puno, mas madami ang maaring maging tahanan ng mga hayop na ito.
Nakakatulong ito sa mga baha – Ang mga puno at mga halaman ay nakakatulong sa mabilisang pagsipsip ng tubig sa tuwing may baha.
3. Sumali at manghikayat sa mga clean up drive organization para manatiling maayos any ating kalikasan.

Source: https://2.bp.blogspot.com/-I6w8yNtVyGM/X85LgZXzVJ
Kadalasan, ang kapitan ng isang baranggay ay nagpapagawa ng clean-up drive. Bukod sa mga piling tao ang maglilinis ng ating kapaligiran, tayo ay maaari ring makibahagi dito sa paglilinis, dahil ito ay para sa kagandahan ng ating kalikasan.
4. Ugaliing gawin ang 3R’S

Source: https://www.ecotradecompany.com/blogs/news/reuse-reduce-recycle-
Ang Reduce, Reuse at Recycle ay isang mabisang paraan para mabawasan ang basura sa ating kapaligiran, mahalga na ito ay matutunan ng marami sapagkat di na biro ang basura sa ating kapaligiran meron na itong masamang epekto sa ating lahat, nasisira na ang ating kalikasan, dahil pati sa mga dagat at ilog ay nagkalat na ang basura, bumabara narin sa mga kanal na sanhi ng pagbaha, nagdudulot narin ito ng pagkakasakit sa mga tao at hayop dahil sa pulosyon na ating nalalanghap, maganda rin ang reduce, reuse at recycle dahil nakakatulong ito upang tao ay makatipid.
Ngayon at nalaman nanatin ang maari nating maitulong sa kapaligiran. Dumako naman tayo sa isang bidyo kung saan magbibigay rin ng impormasyon kung paano ka makakatulong sa kalikasan o kapaligiran.
Ngayon na ikaw ay may ideya na kung ano ang mangyayari kung hindi natin inalagaan ang kalikasan. Maaari kanaring makatulong upang mapigilan ito. Umpisahan din natin sa paghihikayat at pangangaral sa ating mga kakilala. Mas maraming nakakaalam at gustong tumulong mas maganda ang kalalabasan nito sating kalikasan.


